Novena Day 4 – February 5, 2020

0
723

by Aurora De Los Reyes

Mass Presider: Rev. Fr. Willy Manalo Samson, SJ Ateneo de Zamboanga University, Assistant to the President for Formation

Gospel – Marcos 6:1-6

May Pananampalatay May Himala (A Homily Recap)

“ Nagtaka si Hesus sapagka’t hindi sila sumasampalataya.”

Ordinaryo ba o di-pangkaraniwan ang himala o milagro sa buhay mo?

Ang milagro ay ordinaryo lamang sa may malalim na pananampalataya. Ang pananampalataya ay nahahati sa dalawang salitang ugat: panam o namnam (relish) at palataya o taya (sugal-maaaring matalo; nguni’t sa Diyos, walang natatalo).

Marami sa mga tao ang nagsasabing mayroon silang pananampalataya sapagka’t araw-araw nagsisimba o nagbabasa ng libro o Bibliya. Ang tanong: Lubos ba nilang nauunawaan ang kahulugan ng palagian nilang pagsisimba o pagbabasa ng Bibliya o lutang ang kanilang isip?

Kung malalim ang ugnayan sa Diyos, malalim ang pananampalataya, magaganap ang nais mangyari. Ang hamon- Patuloy na hanapin ang Diyos. Namnamin Siya sa ating puso. Ito ang paraan ng pagpapalalim ng pananampalataya.

Ang ating Inang Maria- punong-puno ng milagro sa kanyang buhay. Ang kanyang “OO” ay salitang madaling ibigay galing sa kanyang pagnamnam sa pagibig ng Diyos.

Mataimtim na manalangin kay Inang Maria at magkaroon ng malalim na pananampalataya sa Diyos. Dito natin matutuklasan ang lahat sa ating buhay ay may dahilan at kahulugan.

#NSOLLPH