Novena Day 5 – February 6, 2020

0
722

by Aurora de los Reyes

1st Reading: 1 Kings 2:1-4; 10-12     Gospel: Mark 6:7-13 

Mass Presider:  His Excellency MOST REV. DEOGRACIAS S. IÑIGUEZ, JR., D.D. Bishop-Emeritus of Kalookan

Ang Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya ay Pagpupuri at Pasasalamat   (A Homily Recap)

Ang ganap na pagpapahayag ng ating pananamampalataya sa Diyos ay sa pamamagitan ng: 1) Pagpupuri sa Diyos bilang ating Ama; 2)Pasasalamat sa Diyos, ang pagtanaw ng utang na loob sa mga natatanggap na mga biyaya.

Ito ay nagaganap sa Eukaristiya tuwing Linggo kapag nagkakatipon-tipon tayo para purihin at pasalamatan ang ating Diyos. Ang Eukaristiya ang pinakadakilang pagpapahayag ng ating pananampalataya.

Nabanggit ang siyam na taong paghahanda ng mga Kristiyano sa ating bansa patungo sa pagdiriwang ng limandaang taong pagdating ng pananampalataya dala ng mga Kastila noong taong 1521. Ang siyam na taon mula 2013 hanggang 2021 ay nagkaroon na magkakaugnay na tema o tinatawag na “pastoral priorities”: Integral Faith Formation (2013); The Laity (2014); The Poor (2015); The Eucharist and the Family (2016); The Parish as a Communion of Communities (2017); The Clergy and Religious(2018); The Youth (2019); Ecumenism, Inter-Religious Dialogue & Indigenous Peoples (2020) at Missio ad gentes [mission to the nations] (2021). Ito ang mga pamamaraan ng pagsusuri ng ating kalagayan bilang mananampalataya.

Magiging napakaringal ng pagdiriwang na ito sa taong 2021 tulad ng siyam na araw na nobena ng mga deboto at ng parokya bilang paghahanda sa kapistahan para sa ating pinakamamahal na Birhen ng Lourdes, ang ating Reyna at Ina ng ating pananampalataya.

Ang mahalagang sangkap ng ating pananampalataya kay Maria ay ang ating pagkilala at pagtanggap sa kanya bilang Ina at Reyna ng ating pananampalataya. Siya ang gumagabay para maghari ang Diyos sa ating puso.

Isabuhay natin ang mensahe ng Lourdes. Gawin nating laging kapiling at kaugnay si Maria tungo sa ating Diyos at mabuhay tayo ayon sa Kaniyang kalooban.

#NSOLLPH