AWA + GAWA = Kawanggawa

2
972

Isinulat ni ERV

“Ang pag-ibig ni Kristo ang nagtutulak sa atin na gumawa ng mabuti.”  Ang mga salitang ito ni San Pablo ang pumukaw sa Kaputsino upang maglingkod sa ganitong panahon ng matinding pagsubok.

Araw-araw naghahanda ng pagkain ang mga Kaputsino para ipamigay sa mga kapatid natin na nakatira sa lansangan.

Ibig nilang makapagbahagi ng kaunting tulong  sa mga naninirahan sa kalye sa gitna ng krisis na kinakaharap natin, ang malawakang epidemiya na COVID19.

Ang mga kusinero sa araw na ito ay sina Reb. Padre Dewaram Francis Raj, OFMCap,   Reb. Padre Paul Vincent Perlado, OFMCap.  Kasama nila sina Reb. Padre Rex Cutamora OFMCap, at Reb. Padre Eugene Lopez, OFMCap, at ilan sa mga tauhan ng LSQC.

Tulungan at ipagdasal natin ang kaligtasan ng Kapatirang Kaputsino.

Sa mga nais magbigay ng tulong pinansyal, ideposito po sa: Bank of the Philippine Islands o BPI. Account Name: Mission de Padres Capuchinos de Las Islas Filipinas Account No: 0313 1734 37.

Para po sa mga nais magbigay ng cash donations ngunit walang online facility o hindi makakapunta sa banko, maaari po naming puntahan at kunin ang inyong donasyon.

Sa mga nais magbigay ng pagkain at tubig, paki bigay sa guard ng LSQC Grade School, Kanlaon Gate.

Maraming salamat po.

#ChuroCapuchinoSaMahihirap #NSOLLPH

2 COMMENTS

Comments are closed.