Triduum Mass Day 1, Agosto 19, 2020
Reverend Father Hector Gonzales, OAR – Mass Presider
Galing kay Reverend Father Eugenio Juanilo Lopez, OFMCap.:
“Bakit Agustino ang nagdiwang sa unang araw ng triduum? Ito ay alinsunod sa istorya ng imahen ng Mahal na Birhen ng Lourdes.
Noong Second World War 1945, nang ang aming simbahan ay nasa Intramuros. Kinakailangan ilipat ang naturang imahen ng Mahal na Ina mula sa aming simbahan sa San Agustin para mailigtas ito sa pinsala.
Kung tutuusin, yun ang panahon ng nobena ng Mahal na Birhen ng Lourdes. Kaya nung panahong iyon ng Second World War mga unang araw ng nobena naganap sa sacristy ng San Agustin.
Bilang paggunita sa nangyaring iyon, yung mga hakbang ng Mahal na Ina bago siya makarating dito sa pambanasang dambana minarapat naming na magpasalamat sa mga Agustinians.
At kaya nga isang Agustino ang nagdiwang para sa atin ngayong araw na ito.
Ikalawang dahilan, nang kami naghahanda sa Canonical Coronation ng ating Mahal na Ina, isa na namang Agustino ang tumulong sa amin sa paghahanda. At walang iba yun kundi ang ating mass presider ngayon, si Father Hector Gonzales, OAR. Atin siyang pasalamatan.
Kami ay nagpapasalamat sa iyo Father Hector sa inyong pagtulong sa aming paghahanda sa Canonical Coronation, at gaya din naman sa iyong pagkupkop bilang Agustino, sa ating Mahal na Ina nung panahon ng Second World War.”
#CanonicalCoronationLourdes #NSOLLPH