“Sa Maliit na Pamamaraan ay Mapapasaya po Namin Sila” – Ang Feed My Lambs Project

0
607

Isinulat ni Teresa Ignacio

Abril 23, 2021

 “Kanina umaga, kami nila Susan at Ian ay naghanda at nakapagbigay ng pagkain para sa mga street dwellers. 

Naglakad kami sa mga lugar na alam namin kung saan sila madali makita: sa Araneta Ave., Del Monte,  Biak na Bato,  Mayon , Calamba, Iriga, Dr. Alejos.    

Naghanda kami ng sopas na me itlog para sa 50 katao.

Munting gawain na nakakatuwa pagkat alam natin sa ganitong panahon tayo ay lumapit sa kanila at mahandugan ng konting makakain.

Pagka’t sa maliit na pamamaraan ay mapapasaya po namin sila.

Sana po ay makiisa kayo sa amin ni Susan para  sa gawain ng Lourdes – ang Feed my Lambs ng  Social Services and Development Ministry (SSDM) at ONE NSOLL.

At plano po namin ni Susan ay sa sabado muli. Ngayon po ay nakatanggap  na  kami ng bigas, isang box na noodles at isang tray ng itlog. Nakakatuwa pong isipin na me susuporta  sa amin sa maliit na gawain. Pag palain po sila ng Maykapal. At may nag donate na din po ng 1K. Kami na din po daw ang mag-iisip kung ano maluluto namin sa susunod.  Sa ngayon, may isa pong member ng Confraternity ang mag papa schedule para po sa susunod naming lulutuin. Nakakatuwa pong isipin na may ganito tayong gawain.”

Sa mga interesadong tumulong, tumawag sa Parish Office: +63 2 8731-9306

Sila Sis. Teresa Ignacio at Sis. Susan Perea ang namumuno ng Urban Poor Ministry.

Potograpo: Br. Ian

#NSOLLPH  #OneNSOLL