Ang Pastoral Visit ni Fr. Jeff sa Barangay Paang Bundok

0
479

Sinulat ni Ma. Teresita Arvisu

Malugod na tinanggap ng mga opisyales ng Barangay Paang Bundok kasama ang mga parokyano  si Reb. Padre Jefferson E. Agustin, OFMCap., Kura Paroko at Rektor ng Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Lourdes (NSOLL) noong Biyernes, Hulyo 9, 2021.

Ang maaliwalas na kalangitan at ang magandang paglubog ng araw ay nagbigay ng kamangha-manghang tanawin sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.

Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga opisyales ng barangay kabilang ang Punong Barangay na si  Lawrence Tiglao, Kagawad Nita Masangcay, Kagawad Oscar Nadonga, Kagawad Joy Salalila. Tinalakay ni Ginoong Bong Masangcay, Pangulo ng Samahan ng Senior Citizens, ang posibilidad ng street masses at Simbang Gabi sa barangay. Kasama rin sa pagpupulong and mga miyembro ng BEC.

Bilang bagong Kura Paroko ng Pambansang Dambana, ibig makilala ni Fr. Jeff ang mga opisyales ng Barangay Paang Bundok upang ipakilala ang kanyang sarili, alamin ang kanilang mga nais malaman tungkol sa parokya at sumuporta at makiisa sa mga darating na aktibidades ng parokya.

Ang NSOLL ay taos-pusong  nagpapasalamat sa Barangay Paang Bundok, sa malugod at mainit na pagtanggap kay Fr. Jeff sa kanyang pastoral visit.

Photo credit: Angelo Mangahas

#NSOLLPH