Sinulat ni Br. Alvon Binoy Ricafort

Kabilang ang pirasong kalabasang ito at 2 kilong bigas ang naipamahagi sa pitong barangays na sinasakupan ng National Shrine Of Our Lady of Lourdes, nung Sabado, Ika -7 ng Agosto 2021.

Humigit kumulang na 245 food packs ang matiyagang inihatid sa mga kapatid nating nangangailangan ng ayuda at tulong sa mga sumusunod na barangay:

Brgy. San Isidro Labrador, Brgy. Salvacion, Brgy. Paang Bundok, Brgy. N.S. Amoranto, Brgy. Maharlika, Brgy. St. Peter, Brgy. Sto. Domingo.

Katulong na personal na naghatid ng ayuda si Rev. Fr. Jepoy Torres, OFMCap., at ilang miyembro ng Social Services and Development Ministry (SSDM) at Upban Poor Ministry(UPM).

Sa kabila ng ipinapatupad na ECQ, matagumpay pa rin nating naihatid ang ayuda sa mga kapatid nating higit na nangangailangan. Bagama’t hindi pa rin sapat upang mabigyan lahat, ay patuloy pa rin ang aming pasasalamat sa mga donors at sponsors na nagbabahagi ng kanilang mga biyaya upang kahit papaano ay mabahaginan din ng grasya ang ating mga kapatid na lalo pang naapektuhan ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ang FEED MY LAMBS Program ng NSOLL ay sumasaklaw sa lahat ng programang patungkol sa paghahatid ng mga ayuda at tulong na pagkain sa ating mga mahihirap na mga kapatid na patuloy na isinasakatuparan ng ating parokya sa pangunguna ng UPM, SSDM at BEC katuwang ang iba pang organisasyong layko at mga lingkod ng ating parokya.

Photo Credits to Sis. Teresa Ignacio

#NSOLLPH

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.