Mahal naming Fr. Jeff, Fr. Egay, Fr. Erning, Fr. Dewaram, Fr. Franz, Fr. Rudy, Fr. Ting, Fr. Toti, at Fr. Jepoy,
Nakakalungkot ang mga pangyayari na ang buong kalakhang Maynila ay muling isinailalim sa GCQ with heightened restrictions. At simula sa Biyernes Ika-6 hanggang ika-20 ng Agosto ay muling ibabalik sa ECQ.
Ito ay para sa kapakanan ng lahat, dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng covid-19, at yung sinasabing mabilis na pagkalat dahil sa Delta variant.
Pansamantalang muling isinara ang mga simbahan para sa pampublikong misa bagkus ito ay gagawin sa pamamagitan ng mga online masses.
Pero huwag po kayong mag-alala. Ang tangi naming ninanais ay ang inyong kaligtasan. Kumain ng masusustansyang pagkain, matulog ng tama at sapat sa oras, huwag lumabas ng kumbento hanggat maaari, magsuot ng face mask at face shield at mag obserba ng tamang distansya at huwag makihalubilo sa mga tao.
Kailangan namin kayo. Dahil kayo ang mga pinakamamahal naming mga Ama sa pananampalataya. Sa inyo kami humuhugot ng lakas ng loob, gabay at kapayapaan ng isipan at sa mga sakramento.
Sama-sama po natin ipagdasal ang tagumpay ng pinagdadaanang GCQ at ECQ sa tulong ng Mahal na Birhen ng Lourdes.
Maligayang Araw ng mga Kaparian po!
Mabuhay po kayo!
#NSOLLPH