Ang Dakilang Kapistahan ng Lahat ng Mga Banal – Mga Hango sa Homiliya ni Reb. Padre Jefferson E. Agustin, OFMCap.

0
511

by Ma. Teresita Arvisu

        The blessing of urns followed after the 7:30 am Mass on November 1, 2021, on the Solemnity  of Saints by Rev. Fr. Jefferson E. Agustin, OFMCap. Parish Priest and Rector of the National Shrine of Our Lady of Lourdes.

        Here are some excerpts from his homily.

“We are celebrating the Communion of Saints – all the saints. Ang pag-alala sa mga kapatid natin na nauna na, o yung mga yumao na –  kaya nga po may mga urns dito na nagpapaalala na sila ay kabilang sa Communion of Saints.

        Ano ba ng ibig sabihin ng Communion of Saints? The Communion of Saints is made up of those of us on earth who are on the journey to eternal life. Tayo po yun. Tayo yung tinatawag na “pilgrim church”. Tayo yung patuloy na naglalakbay sa mundong ito, na nagsusumikap maging banal. Na nagsusumikap makasunod sa kalooban ng Diyos.

        At gayun din, those who have died and are being purified – yung mga yumao na, na hanggang ngayon ay nilililinis pa doon sa purgatoryo.

        At ang pangatlo are those who have died and have entered into the fullness of glory. Yung mga nakapasok na sa langit, yun ang mga banal.

     Kaya nga po, sa pagdiriwang nating ito, hindi lang yung mga declared saints and ating ipinagdiriwang na kilala natin, katulad ni San Francisco, Sta. Clara, Padre Pio at si San Jose, at marami pang iba. Bagkus yung mga hindi nadeclara na Santo ng simbahan sapagka’t ang lahat ng nakapasok sa langit ay banal. Tandaan po natin yan – ang lahat ng maka pasok sa langit, ay mga banal.

        …sometimes we do not even think of our call to holiness. Marami tayong ginagawa, masyado tayong busy, maraming  pinagkakaabala na tila lumayo sa kalooban ng Diyos.

        Ang ebanghelyo nating narinig ay – ito ay sa pagiging mapalad. Blessed. Kapag sinabing “blessed” hindi yung sa material na bagay. Hindi lamang dito mababatay ang pagiging mapalad.  Sapagka’t ang magiging mapalad ay ang taong natagpuan niya ang Diyos sa kanyang buhay. To find our joy in God. And that is the meaning of being blessed.

        Ang mga Banal sa Kalangitan, ipanalangin niyo kami.”

Pagkatapos ng 6 pm mass sa Nobyembre 2, mayroon ring magaganap na Blessing of Urns.

Photos by Eldrick Angelo Nolasco

#NSOLLPH