Sinulat ni Sis Aurora delos Reyes
Muling nabuhay ang alaala ng mga yumaong lingkod at tagapagtangkilik ng Pambansang Dambana ng Birhen ng Lourdes sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa ganap na alas-sais ng gabi nang ika-26 ng Nobyembre, 2021, araw ng Biyernes.
Mahigit sa dalawang-daang mga pumanaw na mga tagapaglingkod sa labing-apat na Ministri ng Parokya ang isa-isang binanggit ang mga pangalan bago mag-umpisa ang pagdiriwang at nang isinagawa ang Rito ng Pagbabasbas ng Insenso bago matapos ang Misa.
Bilang pagbigay-papuri at pasasalamat, binanggit ng namuno sa banal na pagdiriwang na si Kura Paroko Reb Padre Jefferson E. Agustin, OFM Kaputsino ang maaaring mga naiwang mga magagandang alaala sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa ng mga naturang mga sumakabilang-buhay na.
Mayroong apat na mahahalagang bagay ang iniwan na paalalala na rin ni Padre Jeff sa sa mga patuloy na naglilingkod sa Simbahan: 1) Tiyak na tayong lahat ay hahantong sa kamatayan na sa katunayan ay nagsisilbing daan para makabalik sa Ama; 2) Dadaan ang lahat sa paglilitis ng Diyos. Alam ng Diyos kung paano naglilingkod ang bawa’t isa. Lilitaw ang lahat ng ito kapag dumating ang panahon ng pagharap sa Diyos; 3) Madadala sa impiyerno ang lahat ng sumusuway o magpapasawalang-bahala sa sampung utos ng Diyos; 4) Pagpasok sa langit sapagka’t ito ang pangako ni Kristo sa lahat.
Nagtapos ang pangaral sa pamamagitan ng isang magandang hamon sa lahat ng patuloy na naglalakbay bilang tagapaglingkod: “ Ano ang nais mong maiwan na alaala?”
Nakapaloob ang kabuuang talaan ng mga yumaong lingkod sa isang photo album na pinamagatang “Prayers for our Deceased Lingkods” sa NSOLL FB Page
Photographer: Alexii Alipio
#NSOLLPH #LourdesOFFICIAL