“Salamin ng Kagandahan at Kadakilaan ng Diyos”

0
531

Isinalin ni Ma. Teresita Arvisu

Mateo 16: 13 – 19 Transkripsiyon

Ang Homiliya ni Lubhang Kagalanggalang Roberto O. Gaa, D.D., Obispo ng Diyosesis ng Novaliches sa Pagdiriwang ng Ika-Dalawangput Limang Anibersaryo bilang Pambansang Dambana  ng Mahal na Birhen ng Lourdes.

“Magandang umaga sa inyong lahat.

Sinasabi po natin kanina na ang ipinagdiriwang  po natin ay ang katapatan ng Diyos. At ito ay mamamalas natin sa ating ebanghelyo.

Nang sinabi ni Pedro na “Ikaw and Mesias –  ang Anak ng Buhay na Diyos,” tumugon si Kristo, “Hindi iyan sinabi sa iyo ng kahit na sinong may balat at dugo. Yan ay nanggagaling sa aking Ama sa langit.”

Kaya nang sinabi ni Hesus na, “Ikaw ay Pedro at sa iyo itatayo ang Simbahan.” Ang kinatatayuan  ng Simbahan ay hindi lamang si Pedro, hindi lamang iyong bato, kundi ang Diyos na pinagmumulan ng pananampalataya ni Pedro.

Kaya itong Simbahan na ito ay tunay na tanda ng katapatan ng Diyos. Eto ay nagpapahayag na ang Diyos ay buhay at tayo ay kanyang ginagabayan. Hindi lamang po  itong  Simbahan na bato. At napakaganda sapagka’t  nakaugnay sa ating Unang Pagbasa na nagpapahayag ng kadakilaan ng Diyos. Pinupuri  ang Diyos. At ang iba’t-ibang tao galing sa malalayong lugar ay pinupuntahan siya. Naaakit .

Itong pagbasang ito ay hango sa Linggo ng Epipanya – iyong pagpapakita ng Panginoon; iyong Three Kings. At sinasabi dito na ang mga pantas na nanggagaling sa malayong lugar ay pupunta sa – animo’y the renewed City of Jerusalem.  Eto yun.

Para sa akin – Ano nga ba yung ganda na sinasabi natin? Ito ba yung ganda ng gusali? Ito ba iyong napaayos na? … Muli po ba itong naitayo? O bagong gawa itong altar? Kung ukol dito, hindi ko na alam. Ang sa akin po, hindi ito ang ibig kong tukuyin. Ang ganda ng Simbahan ay ang panalangin at pananalig ng mga taong sumasamba dito sa lugar na ito. Kasi iyong lugar naluluma po iyan. Inaalikabok yan. Dumudumi. Kinakalawang. Naluluma. Pero yung pananampalataya at pananalig ng lahat ng mananampalataya at sumasamba dito sa Simbahang ito ay nananatiling bago. At para sa akin, iyan ang tunay na bumubusilak. Iyan ang ganda na nang-aakit ng mga tao galing sa malayo. At iyan ang hindi naluluma. Iyan ang patuloy na nagpapanibago.

Nung huli ko pong pumunta dito, maaga po akong dumating. Sinabi ko pa nga po, ako po’y nakaparada banda doon sa likod. Nakita ko po ang isang pamilyang walang tirahan.  Nandoon po sa tabi, sa may waiting shed ng eskwelahan. Tapos mayamaya, may pumaradang sasakyan. Pagparada ng sasakyan bumaba iyong nagdadrive na may dala-dalang  pagkain. Tapos binigay niya doon sa pamilyang homeless. Walang tirahan. Sabi ko, “Eto ang kanilang naranasan sa Simbahan na ito.  At ito rin yung patuloy na ginagawa na kabutihan na kanilang dinanas  at kanilang binabahagi ngayon.”  A blessing that they have received. But a blessing that they continue to share. A blessing that truly typifies beauty. Iyan po ang kagandahan – ang biyaya ng Diyos na tunay na nagpapasigla sa ang ating pananampalataya.  

Kaya nga ba, kung titignan natin ang ating Ikalawang Pagbasa mula sa sulat ni San Pablo na taga -Efeso, sinabi niya, “We have  been blessed by God.” Dahil tayo ay inangkin niyang mga anak.  Kung tayo ay anak, wala tayoong dapat ipangamba, dahil ang trato  sa atin ng ating Diyos ay mga anak. Hindi niya tayo pababayaan.  Hindi niya tayo hahayaang maligaw, tayo ay patuloy niyang aangkinin  na kanya. At tayo ay patuloy na makararanas  ng kabutihan at pagpapalang nanggagaling  sa Kanya. At dahil doon, tayo rin ay maaring  magbahagi ng biyaya sa ating kapwa. Iyan po ang tunay nating ipinagdiriwang ngayon. Ang katapatan ng Diyos na nang-aakit dahil siya ay maganda. Dahil sinasalamin niya ang kagandahan ng Diyos, ang kabutihan ng Diyos sinasalamin sa mga buhay ng mananampalataya. Totoo, may responsibilidad po si Padre, o ang mga pari po dito na tunay na sinasalamin din ang kabutihan ng Diyos. Pero kaakibat po niyan ay iyon din pong responsibilidad – dahil ang Simbahan ay hindi lamang po sila.

Kayo din ang Simbahan. Sinasalamin ninyo ang kagandahan at kadakilaan ng Diyos. Kaya sa inyong paglabas, makikita natin na patuloy na dala-dala natin ang biyaya ng Diyos. Patuloy nating ibinabahagi ang kabutihan ng Diyos.  Hindi lamang po iyong mamang nakita ko na bumaba sa sasakyan, may dala-dalang pagkain.

Maraming uri ng kabutihan ang maaari nating ibahagi  sa ating kapwa. Kahit iyong makinig lang sa kuwento ng naghihinagpis nating kapatid, iyong damayan ang namatayan, yung magbigay ng kahit konting tulong. Yung magpatawad. Ang lahat pong yan ay pagpapala nang unang-una ay dinanas natin sa Panginoon  na dakila.  

Pero paanyaya at hikayat ng Panginoon na ito din po ay maibahagi natin sa ating kapwa. Nayon na nagbukas na ulit ang Simbahan, sana  ay patuloy kayong bumisita at magdasal, kumuha ng lakas, kumuha ng pagpapala para sa inyong paglabas tunay na masasalamin sa atin ang kadakilaan ng Diyos, ang Kabutihan ng Diyos, ang kanyang pagpapala, ang kanyang kapatawaran.”

#nsollph #lourdesOFFICIAL