“Tayo ay mga Tagadala ng Liwanag ni Kristo”

0
547

Sinalin ni Leanore Lee

UNANG ARAW NG NOBENA PARA SA DAKILANG KAPISTAHAN MG MAHAL NA BIRHEN NG LOURDES

Rev. Fr. Mhandy Malijan, OP (Sto. Domingo Parish)

Ika-2 ng Pebrero 2022

Isang magandang gabi po sa inyong lahat at Maligayang Kapistahan sa pagdadala kay Hesus na Panginoon sa templo!

Mahalaga ang araw na ito sapagka’ ito ang araw na kung saan apatnapung araw na nang simulang ipagdiwang natin yung Kapaskuhan, at tayo’y nagdiriwang na ngayon kung saan dinala si Hesus sa templo. Ngayon din ang unang araw ng inyong pagnonobena sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Lourdes. Tamang- tama ang liwanag na dadalhin  natin o unang liwanag na kung saan tayo ay nagsasama-sama.

Mga kapatid, nagkaroon na ba kayo ng mga realization sa  inyong buhay na nasabi ninyong, “Fulfilled na ako” o kaya naman meron kayong “Aha!” experience na kung saan kayo ay nakahanap ng kasagutan, nakahanap kayo ng kaliwanagan? Alam po ninyo, maraming mga bagay ang nagpapadilim ng ating paningin, lalo na kapag nakararanas tayo ng iba’t- ibang mga pagsubok o problema sa buhay at halos magdidilim ang ating paningin. Saan tayo kumukuha ng liwanag?

Noong ako ay nasa seminaryo, marami ring advise ang ibinigay sa akin. Kung minsan ay masasabihan ka o kaya naman ay bibigyan ka ng mga inspiring words na magpatuloy o kaya sasabihin sa iyo, “Kaya mo yan!” o kaya “Smile ka lang.” o kaya “Pagbutihin mo lang ang iyong pag-aaral.” Iyan ang mga ilang salitang nagbibigay inspirasyon sa atin kaya’t ang mga salitang yan ay importante para sa atin. Para bang naliliwanagan din tayo. Iyan siguro ang magandang ipagdasal natin sa panahon ngayon ng kadiliman, dahil na rin siguro sa sakit, maliwanagan lagi tayo. Nawa ang liwanag ng Panginoon ay laging tumanglaw sa atin.

Napakatouching kapag kayo ay nagdadala ng kandila. Kalimitan, kapag may humihingi sa akin ng dasal, ang lagi ko pong ginagawa, magtitirik ako ng kandila o kahit simpleng pagdarasal na iyon ay sana mapagbigyan iyong kanilang kahilingan.  Kaya hindi mawawala sa aking kwarto iyong kandila. Kahit na mayroong fluorescent o ilaw, iba pa rin iyong na-“fifeel” natin kapag mayroong kandila. At iyan po ang simbolo na kung saan tayo ay maliwanagan sa ating buhay at mapagbigyan iyong ating mga dasal. Kaya nga, marami minsan nagtitirik ng kandila kung gaano kadami ang iyong kahilingan, ganun rin karami yung pagsisindi ng kandila. 

Kaya sa araw na ito, mahalagang ating isipin, “Ano ba ang kahalagahan ng araw na ito?”  Makikita po natin sa dalawang matanda dito sa ating ebanghelyo: si Simeon at si Ana.  Sila’y mga ordinaryong tao lamang at makikita natin na sila ay mayroong espesyal na kahilingan sa Diyos.

Si Simeon ay humiling na sana makita niya ang Mesiyas. Ano ang gumabay sa kanya? Ang Espiritu Santo ang nagbigay ng liwanag upang makita niya ang Panginoon. Hindi niya lang Ito tiningnan, kundi kanyang inilagay sa kanyang braso.  Kung kayo, ay ma-“fifeel” ninyo iyun, iyong moment na iyon, ay siguradong masasabi ninyo sa inyong sarili ay “Fulfilled na ako! Nakita ko na ang Panginoon, handa na akong mamatay!” Kaya po iyon ang nasabi ni Simeon na pagpupuri sa Diyos, “Kunin mo na Panginoon ang iyong abang lingkod ayon sa Iyong pangako. Yamang nakita na ng aking mata ang Iyong pagliligtas.”

Mga kapatid, ganyan ung ma-experience sana natin sa ating buhay, na kapag nagdarasal tayo, na kapag tayo’y nagsisimba, lagi nating makita ang Panginoon. Maliwanagan tayo sa bawa’t araw na dumadalangin tayo sa Panginoon. Kaya lang, kalimitan po, minsan nanlalabo din ang ating isipan, paningin o puso dahil sa galit o minsan sa kasalanan, ay nanlalabo po. Kaya ang magandang mensahe para sa atin: liwanagan din natin ang ating puso. Humingi tayo ng kaliwanagan sa Espiritu Santo.

Iyan iyong lagi ko ring dasal, lalo na nang nag-aaral po ako, lagi akong tumatawag sa Espiritu Santo, “Gabayan Mo ako Panginoon, sapagkat hindi po ako karapat dapat.” o kaya naman po, “Hindi  ako ganoong matalino.” Lagi po akong humihiling sa Espiritu Santo na bigyan ako ng talino, ng kakayanan, upang malampasan ko ang bawa’t pagsubok o examen na akin pong haharapin.

Kaya mga kapatid, si Simeon ay nagpapakita sa atin na bawa’t isang tao ay espesyal sa Diyos. Hindi man tayo nakikita- kahit ordinaryo lamang tayo- lahat tayo ay mayroong pinagkakaabalahan, may kanya -kanyang gawain, pero iyong gawain natin alam ng Panginoon. Lahat po tayo ay espesyal sa mata Niya.

Kahit sa Eukaristiyang ito, alam natin na nagpapakita rin ang Panginoon. Nirereveal Niya sa Kanyang mga salita o ipinapakita sa mga salitang ating napapakinggan at ganoon din sa sakramentong ating tinatanggap. Kalimitan,  hindi natin makita ang Diyos sa mga bagay na ito at iyon po iyong challenging sa atin. Minsan, basta- basta lang nating napakinggan, uuwi tayo, anong naiwan sa atin? Ano iyong magiging dala- dala nating liwanag sa atin pong pamilya? Sa kaibigan? O mai-shashare natin na tayo’y naliwanagan? After natin magsimba, nagbibigay inspirasyon po ba tayo sa iba? Iyan iyong matinding hamon, di ba? Kung minsan nagsimba ka na’t lahat nandiyan pa rin na malungkot ka. Nagsimba’t narinig mo na yung salita ng Diyos pero walang dating sa iyo, kulang pa. Dahil hindi naging bukas ang iyong puso, na hindi naging bukas ang iyong isipan sa pagtanggap ng liwanag ng Panginoon. Iyon po yung pinaghahanda tayo ng Espiritu Santo.

Ganoon din po si Ana, na napakatanda na. Noong araw ding iyon, nagsalita rin siya. Lumapit siya sa oras na iyon at nagpasalamat sa Diyos. Naramdaman niya na naroon ang Panginoong Diyos.  Kaya po iyong pagkaramdam niya, nagsabi siya na ito na ang pagpapalaya ng Diyos sa Herusalem. Kaya, mga kapatid, ito ang pagpapakita na realization ng mga matatanda sa templo.


Ikalawa,  bakit kailangan pa nila na magpa-purify? Si Maria ay alam natin na wala namang kasalanan, ay kailangan niya pang gawin iyong purification na tinawag – na pagkatapos mag-anak ay kinakailangang maglilinis, dahil iyon ang kautusan noong panahong iyon o ang Mosaic Law – na bawat panganay na lalaki ay dapat ialay sa Diyos at ganoon din, kailangang ipurify ang lahat ng mga babae na matapos manganak. 

At iyan po ang pagsunod o iyong pagiging masunurin ni Maria, na naging halimbawa din po para sa atin. Maging masunurin tayo sa Kautusan. Ganoon din, maging masunurin tayo upang tayo’y maliwanagan. Marami sa panahon ngayon hindi na sumusunod. Di ba kung minsan po nandiyan yung rules pero ini-ignore natin? Nandiyan iyong batas o utos ng Diyos pero gumagawa pa rin tayo ng kasalanan, hindi tayo sumusunod. Ito rin po ay nagpapakita na sa pagsunod natin, tayo’y maliliwanagan tulad ni Maria, ni Jose at ang ating Panginoon, tinupad nila iyong pag-aalay.

Alam po ninyo, ito ay naging inspirasyon ko din ng aking bokasyon. Panganay po akong anak, lima po kaming magkakapatid, ako po iyong panganay.  Tuwing babasahin ko ito, kasi gustong-gusto ng nanay ko na kapag kandelaria, marami siyang hawak- hawak na kandila. Iyong pang isang taon na, diba? Kulang na lang, isang sako iyong dalhin sa simabahan para ipa-bless, basta mabasbasan yung kandila niya, ay talagang gusto niya ilalapit niya sa pari para ibless. Alam naman po natin na na-bebless na lahat kahit po doon sa online, kung mayroon kayong kandilang inilagay diyan ay kasama na po sa blessing. Abot- abot na iyong biyaya ng Diyos. 

At tuwing babasahin po ito, naging inspirasyon ko rin ito sa pagpasok ko sa seminaryo – “Ang bawat panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon.” Iyong mga panganay diyan o firstborn, kung kayo ay may mga bokasyon, ito ang pagkakataon ninyo na ialay ang iyong sarili sa Diyos. Ito po ay magandang inspirasyon sa mga panganay na matotouch ka kasi dahil sa tinutupad nila na iyong mga firstborn, ito po iyong redemption na tinatawag. Ano po iyong nangyari doon sa plague? Di ba doon sa kay Moises, iyong pinakahuli, pinagpapatay iyong mga panganay o firstborn. Bilang pagsave o pagredemption doon sa mga panganay, kaya ginawa itong law na bawat panganay na lalaki ay dapat nakatalaga po sa Diyos.

Kaya po napaka-makahulugan ang bawat pagbasa sa araw na ito. Sana po sa inyong pakikinig sa mga oras na ito harinawa ay na-touch kayo. Hindi lamang po ang mga salita ko kundi mga Salita ng Diyos na mariing sinasabi sa atin, “Ikaw ay magbigay ng liwanag. Ikaw ay magbigay ng inspirasyon. Ikaw ay laging magbigay ng mabuting payo sa iyong kapwa.” At ganoon din ipaglaban kung ano iyong katotohan na dapat nating malaman.

Ito po ay mga bagay- bagay na dapat nating gawin sapagka’t pagpapaalaala sa atin na tayo’y mga liwanag din. Tagadala ng liwanag ni Kristo sa sambayanan.

At sa unang araw ito ng novena,  kaagapay natin si Maria. Sabi niyo nga sa inyong tema: kaagapay sa pitong dekadang paglalakbay sa pagkakaisa at pananampalataya. Magkakaroon lamang tayo ng pagkakaisa at pananampalataya kung tayo mismo ang magsisilbing inspirasyon din sa iba, dahil alam natin tayo rin ay nagbibigay liwanag. Hawak -hawak natin ang liwanag ni Kristo.

#NSOLLPH #LourdesOFFICIAL