“MANATILI TAYONG TAPAT SA ATING PANANAMPALATAYA”

0
550

Sinalin ni Tess de la Cruz – Lim

IKA-DALAWANG ARAW NG NOBENA PARA SA DAKILANG KAPISTAHAN MG MAHAL NA BIRHEN NG LOURDES

Magandang gabi po sa inyong lahat.

Mayroon kaming isang pari na nagkuwento sa akin pagkatapos na nag- anoint siya ng isang taong maysakit. Tinawag ng tao na ito ang kanyang asawa, at sinabi nya “Asawa, nasaan ka?” sabi ng kanyang asawa “Nandito po ako.”, “Iyong mga anak natin, nasaan?” Sabi niya “Nandito po sila.” “Ang mga kasama natin sa trabaho, nasaan?” “Nandito rin po, kasama natin sa hospital” ang sabi ng matanda, “Sino’ng nagbabantay sa ating negosyo? Baka malugi tayo”.

Mga kapatid, narinig natin sa unang pagbasa ang kuwento ni David, na sa huling habilin niya sa kanyang anak, hindi niya sinabi: “Para ikaw ay maging hari dapat, ikaw ay maging mayaman.” Kung hindi, ang sinabi ni Haring David, “Kung ikaw ay maging isang hari, dapat palawakan mo ang iyong kaharian.”

Nakita natin sa Unang Pagbasa, ang habilin ni Haring David sa kanyang anak ay tugunan ang tawag ng Diyos at isabuhay ang Kanyang mga utos. Dito natin makikita na nabigyan ng importansya ni David ang kanyang pananampalataya sa Diyos. Na dahil siya ay isang simpleng tao lamang, naging hari, nagkasala sa Diyos, pero pinatawad ng Diyos at gusto niya rin makita na ito ay ma-experience ng kanyang anak ang pagmamahal ng Diyos sa kanya, na para pala maging successful ang kaharian ng kanyang anak, sumunod lang siya sa utos ng Diyos.

He gave instructions to his son to follow the commandments, the precepts, the will of God, the Father. At i-compare natin ito sa Mabuting Balita natin ngayon, tinawag din ni Hesus ang labing- dalawa, and He gave instructions, to preach the kingdom of God, to preach repentance, to anoint them with oil and to drive out demons. Ito ang magiging misyon ng labing- dalawang apostoles ni Hesus, that when they follow the instructions of Jesus even though they may not be successful.  

Dahil narinig din natin sa Mabuting Balita na sinabi kung may mga bahay na tatanggap sa inyo, then mabuti. Kung hindi, ipagpag niyo ang alikabok sa inyong mga paa at magpatuloy pa rin kayo sa inyong misyon. Sa mata ng Panginoong Diyos, hindi niya tayo sinasabihang lahat na maging successful sa ating Gawain. Ang sinasabi lang ng Diyos ay maging tapat tayo sa kanyang misyon, maging tapat tayo sa ating pananampalataya. And the instruction of Jesus will lead us to eternal life: if we will not be faithful to our mission or to the teachings of God, then ang ating misyon din ay hindi magiging malinaw dahil hindi natin alam kung ano ang objective natin, hindi natin alam ang Salita ng Diyos.  

Kaya napaka-importante na makinig, sumunod, at isabuhay ang kalooban ng Diyos. Dahil kung wala ang salita ng Diyos sa atin, hindi natin alam kung ano ang magiging misyon natin. Hindi natin alam kung ano ang gagawin natin sa ating buhay. Kaya napaka-importante na pag-aralan natin ang ating pananampalataya, napaka-importante na makinig sa Mabuting Balita, napaka-importante na magkaroon tayo ng personal relationship sa ating Panginoon.

And that is why we are celebrating 7 decades sa ating journey toward oneness and faith, dahil ang Salita ng Diyos ay tatawag sa atin bilang isang pamilya ng Panginoon. Ang Salita ng Diyos ay tatawag sa atin na magkaroon ng isang misyon na maipalaganap ang Mabuting Balita ng Diyos dito sa lupa. And that our faith, our oneness in our faith will bring us to eternal life.

That is why napaka-importante na malaman natin ang ating pananampalataya para malaman din natin ang ating misyon. Kaya din, mga kapatid, lalong- lalo na ang mga magulang -napaka-importante ang gabay ninyo sa inyong mga anak, lalong lalo na ngayon as we continue to progress in our technology, in science.  Minsan ang direction po ng mga nakababata o ng mga young people ay nawawala sila sa landas, dahil sa dami ng distraction or hindi sila focused sa kanilang ginagawa.

At ang gabay nating mga nakatatanda lalong- lalo na ang gabay ng mga magulang ay napaka-importante para alam nila ang kanilang direksyon sa buhay, may gumagabay sa kanila, may kasama sila sa paglalakbay. At ito rin ang dahilan bakit sinabi ni Hesus tig- dalawa kayo magpunta kayo na mag- misyon dahil meron tayong kasama na mag inspire, meron tayong kasama na mag encourage sa atin. Just imagine living life alone, walang kaibigan, walang mahal sa buhay, naglalakbay ng mag -isa. But when you have someone beside you, a friend, a loved one, a relative, a brother or a sister, it makes the journey more peaceful, it makes the journey more encouraging, pero kung ikaw lang ang mag- isa sa paglalakbay, napakahirap, napaka lungkot.

That is why, my dear brothers and sisters, nakita natin sa Mabuting Balita na ang gusto ng Diyos manatili tayo at maging tapat sa kanyang misyon at sa ating misyon. Hindi natin kailangan ng pera, hindi natin kailangan ng maraming damit, hindi natin kailangang magdala ng maraming gamit sa atin, ang importante sa kanya ay manatili at tapat tayo sa kanya at magtiwala lamang sa Kanyang Salita. This is precisely the invitation to each and every one of us as we celebrate the second day of our novena – to be one in our mission, in the mission of the Church and the mission of Christ, and to have faith in him. Hawakan natin, hold on to the faith – in our faith, dahil ang faith natin, ang pananampalataya natin, ay magiging gabay natin, magiging ilaw natin sa kadiliman na mae-experience natin sa ating buhay.

So, my dear brothers and sisters, allow this celebration of the eucharist to inspire us once again, to say “yes!” to our commitment, to be one in the mission of the church, to be one in the mission of Christ, because to be in mission is to encounter the other person, to be one in mission is to share the light of Christ; to bring with you the words of consolation and comfort, to live like Jesus, para maramdaman, makilala at lalo nilang mapalalim ang kanilang pananampalataya sa Diyos. Sana ito ang maging gabay natin and Salita ng Diyos, sana ito ang maging gabay natin sa ating misyon sa buhay. Amen.

#NSOLLPH #lourdesOFFICIAL