“Si Maria Kaagapay Natin sa Paglalakbay sa BuHAY na Pananampalataya”

0
567

Sinalin si Ma. Suzette F. Custodio

IKA-TATLONG NA ARAW NG NOBENA PARA SA DAKILANG KAPISTAHAN MG MAHAL NA BIRHEN NG LOURDES

Homiliya ni Rev. Fr. Ron Artemio , OFMCap Kura Paroko ng Santa Teresita del Niño Jesus Parish

Nawa’y sumainyo ang kapayapaan at lubos na kabutihan ng ating Panginoon, mga minamahal na kapatid.

Napakaganda ng temang napili ng inyong parokya sa pagdiriwang ng Kapistahan ng ating pintakasi, ang Birhen ng Lourdes  — Maria, Kaagapay sa Pitong Dekadang Paglalakbay sa Pagkakaisa at Pananampalataya. Napakaganda po sapagka’t ang tema ay mayroong paksa ng paglalakbay, something very dynamic.  At ganyan po ang pananampalataya.  Ang pananampalataya ay isang buhay at nagbibigay buhay na kaloob ng Diyos sa atin.  Hindi lamang ito mga paniniwala, faith in the head, mga doctrines, teachings, articles of faith na ating isinasaulo.  Hindi lamang ito pananalig o pagtitiwala.  Hindi pa kumpleto ang pananampalataya kung wala iyong pananampalataya sa kamay at mga paa ang pagtalima.  Faith in the head, faith in the heart, faith in hands and feet.  Paniniwala, pagtitiwala o pananalig, at pagtalima sa pagtupad sa pagsasagawa, pagsasabuhay sa kalooban ng Diyos   At si Maria ang ating champion and advocate of faith. Siya rin ang ating champion and advocate of unity. 

Maganda iyong temang paglalakbay. Sa katunayan, ang ating napakagandang imahe ng Birhen ng Lourdes, literally at historically, ay naglakbay.  Mula sa orihinal na simbahan ng Intramuros noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nasira ang kanyang dambana – the original Our Lady of Lourdes Church in Intramuros.  Sa kabutihang palad, itong magandang imahe ay naitago sa sakristiya ng San Agustin Church at doon inilagak noong 1945.  Pagkatapos noon, inilipat siya sa kapilya ng University of Sto. Tomas. Mula doon, siya ay inilagak sa munting simbahan sa Mayon street na temporary little church ng Sta. Teresita ng Nino Hesus – ang original na pangalan ng parokya na pinayagan ng Archbishop of Manila at that time na si Msgr. Doherty. It was until February 10, 1951 in a solemn procession nang ang dambanang ito ay maitatag na, inilipat po in a solemn procession on February 10, 1951 iyong image ng Mahal na Birhen.  At diyan nagsimulang tawagin ang simbahang ito na Simbahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes. Kaya nga po maganda ang kanyang paglalakbay, at iyong naging kasaysayan ng pagkakatatag ng parokyang ito at ang parokya ng Sta. Teresita ay hindi puedeng paghiwalayin. Magka-isa. Magkaugnay. Inextricably linked. Lahat ng mga records sa Sta Teresita ay finorward na sa Simbahan ng Lourdes sapagka’t from 1951 sa simbahan na ito, diyan na nagsimula ang lahat ng mga sakramento.  Kaya, noong August 23, 1977 ang Vice Provincial namin noon, kung di ako nagkakamali, si Fr Mateo Goldaraz, may God rest his soul, ay hiniling ang kanyang Kabunyiang Jaime Cardinal Sin na itatag na ring parokya iyong maliit na kapilya noon. Kaya iyon ang nagdala ng orihinal na pangalan ng Parokya ng Sta Teresita ng Nino Hesus. Sa kalaunan,  itong parokya na ito ay naging Parokya ng Our Lady of Lourdes, hanggang sa naging National Shrine. Iyong kasaysayan po na mayroong diwa ng paglalakbay, actually naglakbay, nagpapakita ng buhay na pananampalataya. 

Sa ating patuloy na paglalakbay at pagkakaisa sa pananampalataya, ang ating Birheng Maria, Birhen ng Lourdes ang siya nating modelo, gabay, inspirasyon at kaagapay.  Pati na rin, maidagdag ko, pampatibay-loob, encouragement.  Nais kong ipahayag na ang paglalakbay na ito sa pagkakaisa at pananampalataya ay mayroon goal, mayroon pakay o patutunguhan.  At ito ang pinakabukal mismo at kalubusan nang pagkakaisa  — the fountain source and the fullness of unity.  Walang iba kung hindi ang kabanal-banalang Diyos na Santatlo.  Iisang Diyos, tatlong persona, na siya ring pinagka-adhika o layunin ng ating pananampalataya. The goal and object of the theological virtue of faith.  Walang sinumang nilalang na taimtim na nakikiisa sa pag-ibig ng misteryo ng Santatlo maliban sa Mahal na Birheng Maria.  There is no other creature who has been lovingly and intimately caught up with the mystery of the Blessed Trinity than the Blessed Virgin Mary.  Sa pagbati ng Anghel Gabriel sa kanya, “Magalak ka, ikaw na lubos na kinalulugdan ng Diyos!”  In English version “Hail full of grace!”  “Napupuno ka ng grasya. Lubos na kinalulugdan ng Diyos.”  At ang pangalawang pagbati pa, “Sumasaiyo ang Panginoon.”  “The Lord is with you.”  Siya ay hindi tinawag sa kanyang pangalang Maria kung di sa katangi-tangi at kakaibang pagtawag – “kinalulugdan ka ng Diyos, sumasaiyo ang Panginoon.” Makikita natin na si Maria ay talagang taimtim iyong kanyang pakikipag-ugnayan sa Diyos, ang Banal na Santatlo, na siyang ugat at kalubusan ng pagkakaisa. At siya rin ang adhika ng ating pananampalataya. 

Kaya nga sa salita ni San Francisco ng Assisi sa kanyang isang panalangin, sinabi niya ang tawag niya kay Maria “Daughter and Handmaid of the High and Supreme King and Father in heaven, Mother of the Most Holy Lord Jesus Christ and Spouse of the Holy Spirit.”  Walang sinumang nilalang binigyan ng ganyang napakataas na karangalan.  To be intimately caught up with the mystery of the Trinity.  Matatandaan din natin na maging sa kauna-unahang sandali ng kanyang pag-iral sa sinapupunan ng kanyang ina na si Sta Ana, naroon na agad ang kamay ng Diyos na gumawa ng isang natatanging paglalang.  Isang taong nilikha na hindi nadungisan ng kasalanang man.  Bukod tanging paglalang ng Diyos, bukod tanging pagliligtas ng Diyos, bukod tangi sa babaing lahat at sa lahat ng sangkatauhan.  Ito ay sa kadahilanang siya ang hinirang na maging ina ng walang hanggang Salita na Nagkatawang-tao sa kanyang birhinal na sinapupunan.  Ang Panginoong Hesukristo na siyang gaganap ng pagkakasundo at pagkakaisa ng Diyos at ng tao, pati na ang pagkakaisa at pagkakasundo ng lahat ng sangkatauhan.

Sinabi ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga Galatia, “Nguni’t nang sumapit ang takdang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang anak.  Isinilang Siya ng isang babae na namuhay sa ilalim ng kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng kautusan.  Sa gayun, tayo’y maibibilang sa mga anak ng Diyos.” Galatians 4 verses 4-5Not slaves anymore but children by adoption.  And together with Christ, co-heirs with Christ, to the eternal kingdom.  Sa maiksing salita, we achieve our status as God’s adopted children in our union with our Lord Jesus Christ – the Virgin-born, the Son of Mary.  Upang ating makamit ang estadong ito, si Maria ang naging instrumento ng ating pagiging magkakaisang mag-anak ng Diyos, sa ating pakikiisa sa Panginoong Hesukristo na isinilang ni Maria.  Simula nang tumugon ng Fiat o pagsang-ayon o pag-oo ni Maria sa balitang hatid ng Anghel Gabriel, she became at that very moment the living dwelling place of God.  And thus, masasabi natin, ang langit ay ikinasal sa lupa.  Heaven is wedded to earth in her virginal womb.  The eternal Word became incarnate in her womb.  Indeed, the flesh, the humanity that the eternal Word came to assume has come from the flesh of the Blessed Virgin Mary.  Sa kanyang sinapupunan unang tumibok ang puso ng Nagkatawang-taong Anak ng Diyos. We can say her heartbeat is in sync with the heartbeat of our Lord Jesus Christ. And from then on her life has been a dynamic journey of faith, and completely always being one with her son.  From the womb to the tomb, from the cradle to the cross, from Bethlehem to Calvary. 

Let us now consider, my dear sisters and brothers her exemplary faith.  For our own faith’s nourishment personally and as a community of believing disciples of the Lord Jesus Christ. Si Maria ay nagtiwala sa Panginoon, sa mensaheng inihatid ng Anghel Gabriel.  First, she trusted God even if she did not fully understand the whole divine plan and its details.  Even if God’s mysterious plan is not crystal clear to her, she simply put her confident and trust every step of the way as the mystery of the incarnation gradually unfolded before her very eyes. Nagtiwala, nanalig, sumampalataya si Maria.  She trusted God even if what is being asked of her is seemingly impossible.  How can a virgin bear a child?  How can a young maiden become a mother while remaining a virgin?  But Mary trusted.  She said “yes”just the same.  Imposible pero sa Diyos walang imposible.  She trusted even if it was too difficult on her part because she and Joseph were all set to be married at that time.  But she put aside her plans, their plans to give way to God’s greater plan.  The Divine Plan, the loving plan of our salvation.  And finally, she trusted even if she had to put her life on the line.  Putting herself exactly in harm’s way in saying “yes” to God.  She was in effect courting danger, great threat to her life.  Sapagka’t alam naman nating sa kaugalian ng mga Hudyo, kapag ang isang babae na naipagkasundo na sa kanyang mapapangasawang esposo ay natagpuang buntis at hindi sa esposong lalaki ang kaniyang magiging anak, siya ay mapapasuong  sa tiyak na kamatayan sa pamamagitan ng pagbabato.  Gayunpaman, si Maria ay  sumampalataya sa Diyos, nanalig at nagtiwala sa Diyos.  At ang “Salita ay Nagkatawang tao.”

 Mga kapatid, ano naman ang mga katangi-tanging katangian o outstanding traits ni Maria na ating dapat tularan upang tayo din ay maging instrumento ng pagkakaisa sa ating pamayanang Kristiyano?  Sa ating tahanan at pamilya, sa mga lugar na tayo ay tinatawag ng Diyos upang maging alagad ng pagkakaisa.

Tatlong bagay. Unang-una, total openness to God na nasabi ko nga kanina, siya iyong fountain source at siya iyong lubos na kapunuan ng pagkakaisa.  Three distinct persons in one God.  Iisang Diyos, Banal na Santatlo. Sinabi ni Maria, “Do whatever He tells you” doon sa mga lingkod na inutusan upang kumuha ng tubig.  At ang tubig na nilagay sa mga tapayan ay ginawang alak doon sa kasalan sa Cana.  Ang tanging sinabi ni Maria “Do whatever He tells you.”  Truly, my dear sisters and brothers, we cannot be in communion with God unless we do His will. Hindi rin tayo puede magsabi na tayo ay nagkakaisa kung ang ating mga kalooban at diwa ay hindi nagkakaisa; kung ang nais ng bawa’t isa sa atin sa pamayanan ay ang kanyang kalooban ang masusunod. We cannot be in communion with God unless we do His will, unless we submit, subsume our will into His Holy will.  Pasailalim at pasakop sa banal na kalooban ng Diyos.  At iyan ang tinuturo ni Maria, “Do whatever my son tells you.” 

Pangalawa, iyong kanyang care, concern and compassion towards others.  Noong sinabi sa kanya ng Anghel Gabriel na ang kanyang pinsang si Sta. Isabel ay buntis sa kabila na kanyang pagiging matanda at pagiging baog, alam niya na mahirap ito para sa kanyang pinsan.  Kaya’t dali-dali siyang umakyat sa kabuluran ng Ein Karem at naglingkod sa kanyang matandang pinsang nagdadalang-tao.  Gayun din sa nabanggit ko na kanina, sa kasalan sa Cana ipinakita ni Maria ang kanyang laging kahandaan sa pagtugon sa pangangailangan sa kapwa.  Ayaw niya mapahiya sa madla ang mga bagong kasal nang maubos na ang alak.  Sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria naganap ang unang tanda ng milagro ni Hesus.  When we experience the limits of our resources and reserves, let us go to Mary and ask for her maternal assistance.  Katulad ng sinasabi ng kanta ng Beatles, (singing) “When I found myself in times of trouble Mother Mary comes to me speaking words of wisdom”… let God’s will be done. Amen!

At pangatlo po, panalangin.  Ang pagkaka-isa ni Maria sa Diyos at sa kanyang anak na si Hesukristo ay nasa conteksto lagi ng contemplative prayer.  Lagi niyang pinagbubulay-bulay, laging pinagmumuni-muni.  She kept the words of Jesus in her heart.  Kung mayroong isang tao na lubos na nakakaunawa, nakakaintindi sa Buhay ng Panginoon, who and what Jesus Christ is all about, it is Mary.  We have to look at Jesus through the contemplative eyes of Mary who is always at prayer.  In the Acts of the Apostles, we see the infant Church gathered around Mary praying and waiting for the outpouring of the Holy Spirit.  The principle of unity with the Church, unity with God and with one another.  Indeed, prayer is the proper atmosphere and condition for us to remain united with God and to help us to be united with one another even in our distinct diversities.  Sa ating pagkakaiba-iba sa ating pamayanan, sana hindi ito maging threat o maging hadlang sa ating pagkakasundo because diversity is a gift.

Kasi kung pare-pareho tayo, ano ang ating paguugnay-ugnayin?  Mga kapatid, let us celebrate our diversities because we complement each other. Diversity is the gift of the Holy Spirit.  And if we cannot meet our sister or brother eye- to- eye because sometimes we cannot always agree on many things in the parish, para maganap natin yung pagkakaisa kailangan muna natin to meet each other in the eyes of prayer.

Openness to God.  Care, compassion, concern.  Contemplative prayer.  Mga kapatid, si Maria ang ating champion and advocate of unity and faith.  At kung tutularan natin ang ating Mahal na Ina, makakayanan din nating harapin ang mga pagsubok at paghamon sa buhay.  Mga mabibigat na suliranin, mga panganib at banta tulad ng pandemiya, at maging mga pag-uusig ng mga taong laban sa katotohanan, laban sa katuwiran, laban sa kabutihan at laban sa katarungan na sinisimbolo ni Herodes at Herodias sa ating narinig sa Ebanghelyo. Pero, alam po ba ninyo?  May mas matindi pa sa mga Herodes at Herodias sa makabagong panahon. Alam niyo po kung sino ito? Ito po ay si Marites at si Marisol.  Yung parating nag tsi-tsismis at laging nagsusulsol na laging sumusubok sa ating pagtitimpi at sa ating kabutihan. 

Mga kapatid, nais ko kayong batiin in advance ng isang maligaya at mapagpalang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes.  Patuloy po tayo sa paglalakbay ng pananampalataya at pagkakaisa  sa pamamatnubay at pangangalaga ng ating Mahal na Ina.

#NSOLLPH #LourdesOFFICIAL