Magtipon at Magdiwang sa Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari!

0
452

Sinulat ni Aurora de los Reyes

Pangungunahan ng Pambansang Dambana ng Birhen ng Lourdes ang pagdiriwang sa Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari sa ika-21 ng Nobyembre ng taong kasalukuyan.

Walong kura paroko mula sa iba’t-ibang parokya ng Vicariato ng San Pedro Bautista ang kasama sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa ganap na 4:30PM. Susundan ito sa ganap na 5:30PM ng isang hanay ng mga sasakyan o motorcade na patutungo sa Immaculate Conception Parish, Damar para sa Muling Pagluluklok ng Banal na Sakramento (Reposition of the Blessed Sacrament) sa ganap na 6:00PM.

Ang iba pang parokyang sakop ng Vicariato na lalahok sa naturang kaganapan ay ang Santo Domingo, Santa Perpetua, Most Holy Redeemer, St. Joseph the Worker, San Pedro Bautista at Santa Teresita. 

Ating gunitain, pagnilayan at saksihan sa pamamagitan ng livestreaming ang dakilang kapistahang ito na nagpapakilala kay Kristo hindi lamang isang Hari kundi ating Tagapagligtas.

#NSOLLPH #LourdesOFFICIAL