Magandang gabi, mga Lingkod!

Maraming pumapasok sa isip ko ngayong gabi.

Nasa Christmas season tayo at dapat tayo ay nagsasaya. Parang mahirap itong gawin sa kasalukuyan dahil nasa halos dalawng  taon na tayo ng pandemic at ang tangi nating pangarap ay makadama ng konting ligaya, na mawala na sana ang face masks and face shields.

Halos malapit na ang Pasko nang nasalanta ang marami nating kababayan, lalung lalo na sa Visayas at Mindanao. At sama-sama, tayo ay tumawag sa isa’t isa upang tumulong.

Oo, almost 2 years na tayong nakakulong sa bahay at malayo sa ating kapwa, subali’t bawa’t paggising natin, tayo ay magpasalamat na tayo ay buhay.

Marami tayong natanggap na regalo. Marami tayong binigyan ng regalo. Nguni’t walang regalo ang hihigit pa sa bigay sa atin ng Mahal na Panginoon. Alalahanin natin na ang Pasko ay pagdiriwang ng kapanganakan ng Dakilang Hesus, na pinakadakilang regalo sa atin ng Kaniyang Ama.

Bago pa lang ako sa parokya natin. Subali’t nadama ko ang mahalagang regalo niyo sa akin – ang tulungan ako sa mga naging proyekto natin:

  • Ang ating dedication of the church and the altar.
  • Ang 70th or Platinum anniversary celebration.
  • Ang motorcade nating noong birthday ni Mama Mary at noong Solemnity of the Immaculate Conception.
  • Ang pagtulong niyo sa Community Pantry.
  • Ang pagtulong niyo sa pagpapaganda ng simbahan – sa munting pag-aayos niyo ng mga upuan para sa mga nagsisimba, ang paglilinis niyo ng loob at labas ng simbahan, at ang pagpapapintura ng labas ng ating simbahan, na sa tagal ng panahon ay kumupas na. At ngayon, tingnan niyo kung gaano kalinis at kaaliwalas ng ating simbahan.
  • SALAMAT sa inyong mga sakripisyo.
  • SALAMAT sa pamilya niyo na madalas  ninyong naiiwan kapag may tawag na serbisyo sa simbahan.
  • SALAMAT sa inyong tulong at walang sawang paglalakbay sa serbisyo sa National Shrine of Our Lady of Lourdes.

Ang lahat ng ito ay nagbibigay ng kahulugan sa ating buhay.

Maligayang Pasko sa inyong lahat. Salamat sa Diyos at isa na namang Bagong Taon ang darating, 365 na araw para sa ating lahat – puspos ng ligaya sa serbisyo at sa pagmamahal sa Mahal na Ina ni Hesus.

Mahal na Ina ng Lourdes, ipanalangin mo kami.

#NSOLLPH #LourdesOFFICIAL

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.