by Aurora de los Reyes
Readings: 1st– Isaias 58:7-10 2nd– 1 Corinthians 2:1-5 Gospel – Matthew 5:13-16
Mass Presider: Most Reverend Roberto Gaa, D.D. Bishop of Novaliches
We are God’s Wounded Healers (A Homily Recap)
Ang hamon sa mga lumalapit sa Panginoon: 1) Paggawa ng mabuti; 2) Paniniwalang makakamit ang sariling kagalingan
Unahin muna natin ang kagandahang-loob at matatamo natin ang kagalingan ng katawan at kaluluwa.
We can only be agents of goodness if we ourselves are good. In this way, we are able to share to other people the goodness of God.
God wants us to be wounded healers. Tayo na pinagaling ng Diyos ang siya ring maghahatid ng kagalingan sa iba. Nang tayo’y nagkasala, nawasak natin ang kopa ng tipanan natin sa Diyos. Paniwalaan natin at panatilihin ang ating mga sarili bilang lagayan ng kabutihan ng Diyos.
Palakasin natin ang ating loob sa pamamagitan ni Maria para maaari tayong panggalingan ng kabutihan ng Diyos.
Let us enjoy and share the healing power of God to others.
Ang bawa’t isa sa atin ay maaaring maging instrumento ng kagalingan ng Diyos para maibahagi natin ito sa ating kapwa.
Dumadaloy kay Kristo ang ating pakikilahok at dumadaloy rin sa Kaniya ang ating pakikibahagi.
#NSOLLPH