Novena Day 9 – February 10, 2020

0
747

by Aurora de los Reyes

Readings: 1st –  Genesis 12: 1-7    2nd – Ephesians 1:3-6; 11-12    Gospel – Luke 2:15-19

Mass Presider: Rev. Fr. Herbert John Camacho, Parochial Vicar Regal Parish and National Shrine of St. Michael & the Archangels. Also known as San Miguel Church – Manila

Harapin ang Misteryo ng Karamdaman na may Malalim na Pananampalataya ( A Homily Recap)

Sinimulan ang pangaral sa pasasalamat sa pagtitipong nagaganap; hindi lamang simpleng pagdiriwang kung hindi isang sama-samang pananampalataya na dapat isabuhay. At isama sa pagdiriwang ng Birhen ng Lourdes sa misteryo ng karamdaman ang mga maysakit. Bawa’t araw ng ating buhay ay nakakaramdam tayo kahit papaano ng pagdurusa, sakit, paghihirap.

Walang taong likas na hahangarin na magkasakit pero nadadapuan pa rin ng sakit.

Ito ang misteryo ng karamdaman. Paano haharapin ito?

1) Harapin natin sa pamamagitan ng malalim na pananampalataya.

Kapag may sakit, nawawala ang panlasa at tumitigil ang ugnayan. Nahihiwalay tayo sa ating mga mahal sa buhay, sa trabaho at sa marami pang bagay sa ating buhay sa mundo.Tayo ay madalas naiiwang nag-iisa. At ang tugatog ng pag-iisa ay kamatayan. Tingnan natin si Hesus at ang mga kuwento sa Bibliya tungkol sa mga nagawa Niyang himala. Lumalapit si Hesus, sinasamahan, ginagamot at pinapagaling ang mga maysakit.

Dapat nating isipin, bawa’t may karamdaman, may masasandalan.

Ang hamon: We face the pain of suffering through the eyes of faith. 

2) Sa ating pamimintuho sa Mahal na Birhen, huwag tayong walang pakialam sa kapwa. Dapat may malasakit. Walang dapat na  maysakit na mararamdaman niyang siya ay napabayaan.

Ang hamon: Nawa makita natin sa maysakit, sa bawa’t nahihirapan ang mga katagang, “huwag mo akong pabayaan”, “tulungan mo ako.”

Ang pangako: Sa harap ng Mahal na Birhen, mangako tayong magiging Hesus tayo sa bawa’t sugatan, sa may karamdaman, sa mga nasaktan, sa mga nahihirapan. Sa tulong at  biyaya ng Diyos, walang makapagsasabing siya ay pinabayaan o iniwanan o nag-iisa, sa tulong at panalangin na rin ng Mahal na Birhen.

#NSOLLPH