Mga hango:
“…ngayong pong umaga na ito sa paghanda natin pa sa dalikang pagdiriwang ng kanyang koronasyon, atin pong idudungaw ang imahen ng ating Mahal na Ina na magpapaalala sa ating lahat – na meron po tayong isang mapagmahal na Ina, ating Nanay na sa kabila ng mga pagsubok na dinaranas natin ngayon nandito po siya.
Tayo ay kanyang inaakay. Lumapit at huwag makalimot sa ating Panginoon. Huwag makalimot sa kanyang anak na si Jesus. Huwag makalimot sa ating pananampalataya. Nagpapaalala na siya ay laging nakatanaw sa ating lahat, siya ay laging nagmamasid. At sa kahirapan ng kalooban natin sa ating mga buhay, nandiyan po siya nananalangin, namimintuho para sa ating lahat.
Siyam na araw siya dudungaw. Nandito po siya sa harapan ng simbahan.
Kung tayo po ay magagawi, bagama’t naka sara ang simbahan, pero natatanaw natin siya. Matatanaw na nagpapaalala ang Mahal na Ina. Nandito, nananalangin, nakamasid sa atin. Nagpapaalala na – Kapatid, may pag-asa tayong panghahawakan. Ang pag-asa na hatid ng Panginoon – at dadalhin tayo sa dakilang araw ng kanyang koronasyon.
Ito pong ating pagpuputong ng korona sa kanya, na tanda ng ating masidhing pagmamahal at debosyon sa kanya, ay bunsod din na unang-una minahal tayo ng ating Mahal na Ina. Minamahal tayo ng ating Mahal na Birheng Maria.
Kaya po ang gawain na ito, sa araw ng mga ito, ay isang napakahalagang tanda ng pag-ibig na kanyang tunay na ginawa sa pagbigay sa atin ng kanyang Ina.
Nagpapaalala, nananalangin para sa atin na sa lahat ng ating dinaraan, siya’y tumatanaw, nagmamasid, at tayo ay inaakay niya – kumapit sa ating Panginoon ng lahat ng ating pong pinagdaraanan sa ating buhay.”
#CanonicalCoronationLourdes #NSOLLPH