PAG-IISANG DIBDIB SA ARAW NG MGA PUSO:  NSOLL KASALANG SIMBAHAN

0
782

Sinulat ni Ma. Suzette Custodio

Ang Araw ng mga Puso ay naging mas makabuluhan nang maging saksi ang Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Lourdes (National Shrine of Our Lady of Lourdes- NSOLL) sa Sakramento ng Kasal ng apat na pares ng pusong nagmamahalan. 

Ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng proyektong Kasalang Simbahan ng ating Kura Paroko Reb. Padre Jefferson Agustin, OFMCap.  Katuwang ang NSOLL Family and Life Ministry natupad ang mabigyan ng grasya ng sakramento at masayang naganap ang pag-iisang dibdib nina Mark Felipe at Janine De Vera, Jasper Pineda at Jermie Jamito, Patrick Jarical at Zandra Valle, at Alderico Ricafrente at Paula Montalban.   

“Lagi kayong humingi ng tulong sa Diyos para sa inyong married life.  Humingi ng biyaya ng katapatan lalu na sa panahong ngayong puno ng tukso,” madiing paalala ni Reb. Padre Jefferson Agustin, OFMCap.

Dagdag pa ng Kura Paroko sa kanyang homiliya na dapat manaig sa mag-asawa ang pag-ibig, pagpapasensiya at pagpapakumbaba upang ang pagsasama ay maging matibay at magkaroon ng tunay na halaga. 

Ang Kasalang Simbahan ay dinadaos tuwing ikatlong buwan ng bawa’t taon na kung saan ang susunod ay gaganapin itong darating na buwan ng Hunyo.  Sa mga interesadong makilahok, maaring bumisita o tumawag sa ang tanggapan ng parokya sa numerong (02) 8731-9306. 

Ang Family and Life Ministry ay lubos na nagpapasasalamat sa tulong at suporta ng Head Coordinator ng Parish Pastoral Council G. Victor Luciano at ang mga masisipag na lingkod ng mga Greeters and Collectors Ministry, Lectors and Commentators Ministry, Ministry of Altar Servers at Music Ministry sa pamumuno ng Worship and Liturgical Ministry, maging ang Social Communications Ministry photographers. 

#NSOLLPH #lourdesOFFICIAL