“Bantayan ang Saloobin para sa Kabutihan, Pakikipagkapwa at Pakikipagkaisa”

0
655

Isinalin ni Maria Lourdes Santos-Viola Gaston

IKA-WALONG ARAW NG MISA NOBENA PARA SA DAKILANG KAPISTAHAN NG MAHAL NA BIRHEN NG LOURDES

HOMILIYA NI REV. FR. IRINEO TACTAC III,OFM. KURA PAROKO NG BASILICA MINORE NG SAN PEDRO BAUTISTA

IKA-9 NG PEBRERO 2022

“Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nakapagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos kundi ang mga nagmumula sa kanya”.

Kung babaligtarin natin iyong nabanggit ng Panginoong Hesus, maaari nating sabihin na ang nanggagaling sa kalooban ng isang tao ay siyang nagpapabanal sa kanya. Kung ating iugnay sa tema ng pagdiriwang ng Kapistahan, ang lahat na nanggaling sa kalooban ng tao ay siyang nagdadala sa kanyang paglalakbay sa pagkakaisa at pananampalataya. Dahil sa loob ng isang tao ay nandoon iyong kaisipan o balakin na kung saan na siyang isinasagawa at sinasabi ni Hesus sa Ebanghelyo ngayon- iyong tungkol sa nagdadala ng hindi magandang pagtingin sa tao sa mata ng Diyos.

Kalimitan, tayo ay medyo pre- occupied sa kung ano ang masasabi sa atin ng ating kapwa; iyong iniisip ng ating kapwa tungkol sa atin;  iyong pagtingin nila sa atin. Pero, ang mas importante, bantayan natin iyong kung anong laman ng ating mga puso at ano yung ating ini- entertain sa ating isipan dahil ito iyong makakapag-pabanal sa atin o makakapag- parumi sa atin bilang isang tao.

Kaya, dito sa sinasabi ng Panginoong Hesus sa isang bahagi sa Lumang Tipan, may ganitong pagkain na hindi maaaring kainin, ganiyan ding pagkain na hindi puwedeng kainin; ito puedeng kainin. Pero sa pananalita ng Panginoong Diyos sa Ebanghelyo,  sinasabi Niya: ang pagkaing pumapasok sa tiyan pero importante iyong doon sa puso- kung  saan iyong kalooban ng tao ang siyang makakapagbigay ng hugis kung sino siya, at ano siya bilang isang tao.

Ganoon din sa ating buhay bilang mga mananampalataya. Kaya’t hindi iyong pagkain ang makapagpaparumi sa atin kundi ang ating saloobin, ating iniisip, at iyong ating ginagawa ang siyang makakapagparumi sa atin. Kaya dito sa Ebanghelyo nilinaw ng Panginoong Hesus dahil ang mga kaisipan ng Pariseo ay masyadong nakatuon doon sa paglilinis- doon sa mga gamit na nanggagaling sa palengke. Mayroong praktikal na dahilan- dapat linisin mo; hugasan mo lahat- lahat ng bagay na dinala galing sa labas, parang ritwal. But to make it that ritual as part of your religious observance is something else.

Pinapakita ng Panginoong Diyos sa atin na importante na bantayan natin ang ating saloobin sa ating pakikipag kapwa. Kaya dito makikita natin sa ating paghahanda sa ating Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes sa ika-pitumpung taon ng pagkakatatag ng ating Parokya ay malaking papasalamat sa Diyos sa parte ng Komunidad at ng Parokya sa paglalakbay bilang isang sambayanan- sa pagpapatnubay ng Mahal na Birheng Maria ng Lourdes- isang pag papasalamat sa kanyang maka- inang pagtangkilik. Sinasabi sa atin, ang gumagabay sa isang anak: unang -una ay ang kanyang ina- nagbibigay ng magandang halimbawa ng pagmamahal, pakikipagkapwa at ganoon din sa pakikipagtulungan sa kanyang kapwa.

Dito makikita natin sa tema, sa Kapistahan ng Mahal na Birheng Maria ng Lourdes, siya iyong umaakay o umakay sa ating pamayanan sa pitumpung taon na pagkakatatag bilang parokya. Kitang-kita diyan ang kaniyang  maka-inang pagmamahal sa bawa’t isa sa atin: na naka- sumpong ng kagalingan, naka- sumpong ng consolation o aliw, naka-sumpong ng kapahingahan sa kaniyang presensya; sa kaniyang pagdalangin para sa atin sa Diyos.

Iyong pitumpung taon ay isang malaking bagay na makikitang isang malaking utang na loob na dapat nating ipagpasalamat sa Diyos. Magpasalamat din tayo sa mga nauna na sa atin na gumabay sa ating Komunidad lalong- lalo na sa mga prayleng Kaputsino na sa debosyon nila sa Mahal na Birhen ay talagang kanilang naitatag at napag-ibayo. Makita natin na sa loob ng 70 years ay isang malaking grasya na pinagkakaloob sa atin ng Diyos sa pamamagitang ng Mahal na Birhen Maria sa diwa ng ating ebanghelyo ngayon. Makikita natin na minsan sa realidad ng pamayanang Kristiyano, lumalabas ang sinasabi ng Panginoong Diyos sa ebanghelyo na mayroong  sitwasyon na kung saan, minsan lumalabas iyong masamang isipan gaya ng pag iimbot, mga pangangalunya, mapanirang- puri, mapang-utang, kahangalan, inggit, ito iyong mga masasamang kaisipan na minsan lumalabas sa ating saloobin.

Pero sa pag-inog ng taon, medyo maayos at maganda at lalong umigting yung pagkakaisa ng pamayanan dahil nakarating tayo ng pitumpung taon bilang isang parokya  sa pamamagitan ng patnubay at maka- inang pagkandili ng Mahal na Birhen ng Lourdes. Gayon din,  makikita natin na ang Mahal na Ina Ng Lourdes ay pintakasi sa mga may sakit. Dito natin makikita ang ating debosyon sa kanya na nawa’y anuman ang ating dinadala sa ating buhay ay mapagaan at magkaroon ng lunas sa kanyang pagdalangin para sa atin.

Sa ating paghahanda sa Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes, nawa’y ang ating pakikiisa sa ating gawain sa Parokya, ganoon din sa pamayanan ay magdala ng ibayong pagkakaisa ng mga mananampalataya. Gayun din ang ating matatag na pananampalataya, ito ay makikita nating malaking hamon ngayon sa paghahanda sa halalan:  lumalabas iyong inggit, lumalabas iyong paninirang- puri at iyong paglalabas ng mga fake news. Ito iyong mga masasamang nang gagaling sa kalooban ng kapwa nating pagkatao na siyang nagbibigay ng karumihan sa harap ng kapwa tao at sa harap ng Diyos.

Nawa’y ngayong araw, makita natin iyong ating saloobin bago iyong kung ano ang nasa laman ng iyong puso; kung anong laman ng iyong isipan. Ito ba ay nakakabuti sa iyong kapwa, sa pamayanan at gayundin sa iyong sarili mismo?

Kung ganoon,  masasabi natin sa nabanggit ko kanina na ang ating iniisip- na iyong ating saloobin ay magdadala sa atin ng kabanalan at gayundin magiging kabahagi tayo sa paglalakbay sa pagkakaisa sa pananampalataya. Ito po ay sa pamamagitan ng paggabay at maka- inang pagtataguyod ng Mahal na Birhen ng Lourdes.

#NSOLLPH #lourdesOFFICIAL